“Kabataan (pa rin) ang Pag-asa ng bayan’ (The Youth is (still) the Hope of the Homeland). This is the famous line of our great hero, Dr. Jose P. Rizal or also known as Gat. Pepe. And this line suits to describe the transformation that is continuously taking place in Dr. Jose P. Rizal Elementary School (DJPRES) specifically in the field of campus journalism. From a not so performing school, it suddenly became well-known because of its numerous distinction and recognition not just in the Division level but also in National competitions.
Balita para buwan ng Hunyo
Maari lamang ay i-click ang link na nasa ibaba upang makita ang kabuan ng pahayagan.
Nagtulungan ang mga guro at magulang ng Dr. Jose P. Rizal Elementary School sa pag-aksyon sa mga mag-aaral na hirap bumasa bilang tugon na sa misyon ng Kagawaran ng Edukasyon na ‘Bawat Bata ay Bumabasa.”
Sa inisyatibong ito ay natutukan ang mga batang kabilang sa non-comprehenders ng DJPRES na kinilala naman mula sa pre-test na isinagawa sa pamamagitan nang pagpapabasa sa kanila sa unang kwarter.
hie Labajoy, GPTA president, na sa aktibidad na ginagawa nila ay nakitaan agad ng malaking pagbabago sa mga bata dahil na rin sa pagpapakita ng interes nila kung paano sila makakabasa.
‘Once na matuto kayong bumasa para kayong napupunta sa ibang dimension o sa ibang lugar, mararamdaman niyo na kasama kayo sa binabsa ninyo,” saad pa ni Labajoy.
Sa kabilang banda,bumaba naman ang bilang ng non-comprehenders sa bilang na 33 nang ilabas ang datus ng post test sa pagbasa ng Filipino.
“Malaking bagay talaga ang nagagawa ng pagtutulungan sa isang komunidad. Maraming mga bata ang natutukan at nakitaan ng improvements dahil dito,” pahayag ni Gng. Emma Parena, dalub guro.
Patuloy naman ang ginagawang programa ng DJPRES kung saan maging ang mga On the Job trainees ng paaralan ay nakisali na rin sa pagpapabasa sa mga estudyante.
Dagdag pa rito ang pagpapabasa ng mga guro sa kanilang mga bata para sa lubusang pagkatuto.
ni Anthony C. Acedera
Handa na ang Special Education ng Dr. Jose P. Rizal Elementary School sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto 24 matapos ang matagumpay na pilot dry run ng DepED Dasma noong Hulyo 24.
Sa pangunguna ni Dr. Gemma Cortez, Chief of Curriculum Implementation Division, Dr Jessie A. Layugan, PSDS and Division Coordinator in SPED, Thelma B. Bueno, PSDS of DJPRES, Delia P. Cerbito, Principal IV, at mga kaguruan ay naihanda ng paaralan ang lahat ng mga kakailanganin ng mga mag-aaral ngayong bagong normal sa edukasyon.
“Sobrang pinaghandaan namin ang lahat mula sa mga safety protocols, at paghahanda ng mga learners’ learning kit at iba pang preparation. Sobrang nagtulungan din talaga at kinaya naman ng lahat ng mga advisers ang challenge para sa mga bata,” pahayag ni Cherylee Tablizo, dalubguro sa SPED.
Aniya, aminado man siya na mahirap para sa mga batang espesyal na walang face to face classes pero sa tulong ng mga magulang ay naipaunawa ang kahalagahan ng kanilang parte sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Dagdag pa niya, marami sa mga magulang ay bukas na sa ideya ng mga bagong modalities o paraan ng pagtuturo ngayong panahon ng pandemya.
“Parents were excited and happy to participate because finally their child was able to do school work,” wika ni Tablizo.
Sa kabilang banda, aminado man ang paaralan sa ilang problema tulad ng mabagal na koneksyon sa internet ay may kaakibat naman itong solusyon sa pamamagitan ng modular modality na inihanda ng DepED para sa mga bata.
ni Anthony C. Acedera
Maaari nang magamit ang 3 palapag na gusali na may 12 klasrums para sa mga mag-aaral ng Dr. Jose P. Rizal Elementary School (DJPRES) matapos ang isang taong konstruksyon nito.
Sa pangunguna ni Dr. Gemma Cortez, Chief of Curriculum Implementation Division, Dr Jessie A. Layugan, PSDS and Division Coordinator in SPED, Thelma B. Bueno, PSDS of DJPRES, Delia P. Cerbito, Principal IV, at mga kaguruan ay naihanda ng paaralan ang lahat ng mga kakailanganin ng mga mag-aaral ngayong bagong normal sa edukasyon.
Sa isang pahayag kay Engr. Villamor Blanco, sinigurado ng Department of Education na dekalidad ang mga materyales na ginamit dito para na rin sa kaligtasan ng mga batang gagamit nito.
“Naglagay kami ng safety barriers sa paligid ng building kasi nga sa elementary ay prone ang accident. Kaya para sure, ay may mga harang na bakal na rin sa kapanatagan ng mga parents,” pahayag ni Blanco.
Bukod dito, hindi na rin problema ang tubig sa gusaling itinayo sapagkat mayroon itong 3,000 litrong tangkeng tubig sa itaas nito na kayang makaipon ng tubig na aabot sa tatlong buwan.
“Bale, dalawang tangke yan sa may taas na tig-1500 litro ang capacity. Naglagay kami ng motor sa ibaba ng building para makaakyat ang tubig sa roof top. Kapag napuno na, automatic hihinto ‘yung motor,” dagdag pa ni Blanco.
Samantala, laking pasasalamat din ni Gng. Delia Cerbito, punong guro ng DJPRES, sa bagong gusali na tutugon sa problema sa kakulangan ng silid sa paaralan.
“Makakatulong talaga ito para mabawasan ang shifting classes natin. Last year kasi problema talaga natin ‘yan. Hopefully, matapos na ang pandemic at magamit na ito totally ng mga bata,” pahayag ni Cerbito.
June
July
August
September
October
November
December
January
February
March
April
May